Bathing with my Newborn Baby! #BabySylvio | Love Angeline Quinto

547,288
0
Published 2022-05-27
Hello mga Ka-Twinkle!

Dahil one month na si baby Sylvio, ishe-share ko sainyo sa vlog na ito ang isa sa mga bonding moments namin ni Sylvio at yun ang kanyang bath time! Ipapakita ko rin sainyo ang mga natutunan kong tips and tricks sa pagpapaligo ko kay Sylvio para maging enjoyable ito para sa aming dalawa.

Learn more about Cordlife here: www.cordlife.ph/en/

Sana naenjoy niyo itong video! Don't forget to like, share, subscribe, and comment down below kung ano pa ang gusto niyong makita sa vlogs ko.

Love,
Angeline

#LoveAngelineQuinto
#MamaAngge

All Comments (21)
  • advice lng din po mommy Angeline, pag katapos nyo gamitin un towel na basa transfer agad sa kabilang dry towel, and wag po muna gumamit ng taboo delikado po para age nya po, at kpag nkhiga nyo po xa papaliguon dpat un Tenga nya po yupiin nyo po ng kunti gamit daliri nyo, or mas mganda patayo nyo po paliguan, un medjo nkatayo po xa,, un nkharap po sainyo un likod nya,.. advice lng po . mother of 3 kids na po..at twins pa po kaya 3 agad sila🙂.. happy po aq plagi manood ng vlog nyo every Friday..😍😍
  • Hello Angge. Recommendation from a Mommy of 3 grown up children and a grandmother of 3. Huwag mong gamitan ng tabo sa may ulo ksi baka mapasukan ng water ang ears ni baby - ear infection ang kalalabasan. Good luck! And I could tell that you'll be a great mom to your child. Love lots from Northern California ♥
  • @jigsparado4627
    Hello Ms. Ange and Sylvio...mag lagay Ka bathing net sa basin nya para madali lang ang pag papaligo, tapos maglagay Ka Ng small towel sa tyan nya habang naliligo para tahimik lang sya...malaki po Yung tabo para sa kanya Baka po mahulog sa ulo nya...tapos bago paliguan mag lagay Ng oil sa ulo, dibdib, likod kamay at paa bago maligo para di agad pasukan Ng lamig si baby and from wet towel to dry towel habang binibihisan tapos mag lagay ulit Ng baby oil sa ulo dibdib likod kamay at paa..God bless Ms Angge....
  • Ms. Angeline, advise lang po, if after n’yo po I dry si Baby wag n’yo po stay sa wet towel, transfer n’yo po sa dry towel while you dress him up. Also medyo malaki po yung tabo na gamit n’yo :-) And also if you can use also bathing bed na pinapatong po sa liguan para D rin po kayo mahirapan mg hawak kay Baby. God bless po!
  • She is a first time mom,let us not rush her up.She'll be able to cope up soon♥️
  • Cute nman baby boy Ma'am Angie. Hawig xa sa Papa nya. God bless little baby boy Sylvio.
  • Miss Angge, ang tamang paghawak po sa ulo ng baby habang pinaliliguan ay: 1. Hawakan ang baby sa may batok, parteng likod ng leeg. 2. Ang thumb at middle finger nakahawak sa tenga ng baby. 3. Siguraduhing ang thumb at middle finger ay I- press ang tenga ni baby para matakpan ang butas ng tenga upang maiwasang mapasukan ng tubig ang butas ng tenga ni baby. Iwas infection or irritation na din po. 4. Ang pointer finger naman po suporta sa ulo ni baby, lalo na po kung lilinisin nyo ang parteng leeg ni baby, mas madali nyo malilinis ang leeg sa ganung posisyon. Sa pagpapaligo naman: 1. kailangan din na punasan ng towel na me sabon una ang mukha ng baby, sa parte ng noo, pisngi. Iwasang malagyan ng sabon ang mata at bibig ng bata. 2. Pagkatapos sa mukha, sunod ang ulo ng bata. At kapag banbanlawan na ang mukha ni baby gumamit ng isa pang malinis na towel, basain ng tubig at punasan ito ng ilang beses para maalis ang sabon. Sa ulo naman, magsalok ng tubig gamit ang inyong isa pang kamay at dahan-dahan ibuhos sa ulo ni baby para mabanlawan. 3. Sunod na sabunin ang katawan ng baby, ang mga bisig,kamay, hita at paa. Siguraduhin masabunan ang parte ng kilikili, siko,mga singit-singit ng daliri at palad ng kamay. Sa bandang singit ng hita sa likod ng tuhod at mga singit sa daliri ng paa. Pagkatapos masabunan ang mga singit-singit, banlawan ng towel na binasa ng tubig. Iwasang gumamit ng tabo sa pagpapaligo, dahil sa tuwing binubuhusan natin ng tubig si baby, nakakaramdam din sila ng pagkabigla o takot. Kaya basang towel lang ang gamiting pambanlaw kay baby. 4. Sa pagsabon naman sa bandang likod ng baby, hawakan sa dibdib si baby at baliktarin. Gamit naman ang iyong bisig, ilagay ang dalawang kamay ng baby sa inyong bisig pataob na posisyon at ang dulo ng iyong kamay dapat nakahawak sa bandang kili-kili ni baby. Kapag nasa tamang posisyon na sabunin na ang buong likod ni baby, isama na ring sabunin ang bandang puwet ni baby pagkatapos sabunin, banlawan ng basang towel ang likod at puwetan ng baby. 5. Pagkatapos sa likod ibalik sa unang posisyon si baby paharap ulit saka sabunin ang harapan ng baby (private part). Pagkatapos maligo: 1. Punasan si baby ng tuyong towel, una ang ulo at isunod ang mukha at buong katawan. Sa pagpupunas Kay baby dapat padampi-dampi lang para iwas galos or irritation sa skin ni baby. 2. Ilipat sa tuyong towel at saka bihisan ng diaper at damit si baby. 3. Pagkatapos magdamit, gamit ang maliit na cotton buds, basain ng kaunti ng malinis na tubig ang dulo nito at linisin ang tenga at ilong ni baby. Ayan, malinis at mabango na si baby. Paalala: kapag maliligo si baby lagyan ng maliit na towel ang dibdib nya habang naliligo sa paraang ito nababawasan ang takot, pagkabigla at kaba ni baby habang pinaliliguan. Enjoy your bathing and bonding time with Baby Sylvio .
  • A mama knows her baby well more than anyone else. Wag masyado judgmental. She did what she knows best. Great job Angeline! 💖
  • @NoorAndTuhin
    Ang cuuuuutttteeee! Mashallah! Bango bango ng baby.🚼💟
  • Hi mommy angeline. 🧡 Pag magpapaligo kay baby po based on my experienced lang po kamay po muna ang gamitin natin sa pagbuhos ng water sa kanila kasi minsan nagugulat sila sa tubig pag ganyan na nakatabo. And para mas mabanlawan natin sila ng maayos pag kamay natin ang gamit kasi nararamdaman natin kung madulas pa yung part ng katawan nya o kaya singit singit po. 🥰 Anyways enjoy your journey po sa pagiging first time mom. ❤️
  • as a nanny of 3 kids..pwede k po maglagay ng tubig sa tub kahit kalahati, use po ng water temp. then unahin nyo po muna yung ulo n hawak sya while nka wrap ng towel yung katawan ni bby sylvio, then punasan ang buhok mas maigo n my extra small towel para sa buhok..take off the towel sa katawan then pwede nyo lublob ktawan ni bby sa tub n hawak nyo po yung parang nkhiga sa braso nyo to protect his head at sa ears..dapt yung nkalubok buong ktawan para hindi lamigin.
  • @titaninang1746
    So happy for you Ms.Angeline God bless po sa Family nio.🥰😇😊
  • I keep on watching po always naalala ko nung 1st time mom palang dn ako ganyan na ganyan ako, and i have a second baby boy dn ulit feel ko eto nanamn but nag enjoy na man ako ..sarap ng feeling ng isang ina❤ take care always sa baby mo idol..and family n din..keep safe po..godbless
  • @dinegerri9416
    Share ko lang din yung experience ko po when i bathe my baby before. May nabili po ako na baby net, na ina attach sa tub. Dun ko po nilalagay si baby. At safe po siya dun. Para nag di drift-off lang po yung water. Sponge po ang gamit ko, instead of tabo or dipper. Katulad po ninyo, sobramg enjoy magpaligo ng baby. Ang sarap alalahanin yung mga times na yun.. now my baby boy is 8 yrs. Old 😁😊😍. God bless you mommy Angeline and baby Sylvio ♥️♥️😊😊
  • Tip lang po ms angeline. Since I have also a son whos now 17 turning 18.... ma experience po natin na habang pinapaliguan si baby boy... meron chance na mag wee wee sya so put a towel sa kanyyang birdie :) ... and I agree to other momshies tips... try to check also his inbetween fingers qnd toes plus the singit ;) ... another extra tip... galing sa pedia ko here in the Netherlands... pag sinisipon or ubo si baby ince medyo malaki laki na sya... just put an onion sliced in 2 sa may head part ng kanyang bed para maka inhale exhale sya and good breathing... very effective sya! Until now na mag 18 na si anak ko pag may konting sipon ubo... I still put onions sa kanyang room ;) ... hope my small tips can help you and baby Silvio. Goodluck !
  • @lilylily5279
    ❤wow ms. angge husay mo na mkapaligo ah Kay baby sylvio..❤ God bless both of you ❤ I'm ofw from Dammam KSA
  • @emmasureta4787
    kakaexcite ng bagong vlog mo about sylvio. waiting kami angge. ingat lagi and god bless.♥️♥️♥️
  • @rachelfualo573
    Happy 1month baby slyvio..sna lumaki ka na healthy and masunuring bata kay ms.angge.